By Dean Pontipiedra posted on Sep 29,2018
Pinagkaguluhan ang kauna-unahang Lip Sync Battle Competition sa pagdiriwang ng ikalabinlimang anibersaryo ng City College of Tagaytay, na dinaluhan ng mga mag-aaral ng CCT, noong ika-27 ng Septyembre 2018 sa ganap na ika-4 ng hapon sa CCT grounds.
Ang programa ay pinangunahan nina G. Erick Mark Antonio at G. Mark Clinton Borja na nagtanghal ng isang pampasiglang bungad sa mga manonood, at ipinakilala ang mga kalahok na nagmula pa sa iba’t-ibang departamento ng paaralan.
Mula sa School of Education (SEd), nagtanghal sina Christian Daguil bilang Nicki Minaj, Kennedy Gonzales bilang Miley Cyrus at Domingo Balani bilang Bruno Mars. Mula naman sa School of Computer Studies (SCS), nagpakita ng talento sa pag-awit at paggaya si Genevieve Arellano bilang Ariana Grande. Hindi naman nagpatalo sina Christian Dela Rea bilang si Regine Velasquez at si John Venoit Lopez na umawit ng ‘Isang Linggong Pag-ibig’, na pambato ng School of Hospitality and Tourism Management (SHTM).
Sa School of Business Administration and Management (SBM) naman, nagpasikat sina Jerson Reyes at Dominador Tangara na nag ala-Salbakuta Boys, at si Ralph Lauren Castulo bilang Beyonce. At panghuli, mula sa CCT Senior High School (SHS), bumida sina Lara Ileana Trava bilang Sarah Geronimo at Fhil Anthony Fijer bilang isa pang Beyonce.
Nakuha ng Salbakuta Boys na sina Reyes at Tangara ang ikalawang pwesto na nagmula sa SBM. Nakuha naman ni Trava na bilang si Sarah Geronimo ang sumunod na pwesto. Sa huli, nagwagi sa kompetisyon ang nakilala naman bilang Beyonce na si Castulo mula ulit sa SBM at nakatanggap ng sertipiko at higanteng mikropono bilang kampyon.
Natapos ang programa sa ganap na ika-6 ng hapon bilang pagtatapos ng unang araw ng selebrasyon sa anibersaryo ng CCT.
Jul 6,2020
Good day future CCTians!
Here is a quick guide to
ONLINE ADMISSION APPLICATION
The application for the College Admission for 1st Semester SY 2020-2021 is now online. To all aspiring applicants, here are the important notes you need to remember:
Read More
Oct 8,2018
Ang CCT ay lugar na aking sinilangan
Pinagmulan ng aking talino at kakayahan
Read More
Sep 30,2018
Niyanig ng sigawan at palakpakan ang buong paaralan ng City College of Tagaytay sa kompetisyon na kung saan nagtagisan ng talino at kakayahan sa pagsagot ang mga kalahok ng LGBT Community
Read More
Sep 29,2018
City College of Tagaytay (CCT) celebrated their annual foundation week and intramurals on September 27-28, 2018 as the school was already on their 15 years of service to the public and the community.
Read More
Sep 10,2018
We all dream for a better future – a future with a hope from the young ones. The heroes that will guide them to improve for good are the professionals that can lead the society. With that, it is our only proof that the hope still does exist.
Read More
Sep 7,2018
The games of the new generation can now be played using technology, through computers and especially mobile phones, which everyone has one today.
Read More
Sep 6,2018
Pag-uugali ang isa sa mga unang napapansin sa mga estudyante sa lahat ng paaralan. Kung susuriing mabuti, minsan ay nabibigyang imahe ng ibang tao ang isang paaralan kung paano nila nakikita ang pag-uugali ng mga estudyanteng nag-aaral dito.
Read More
Sep 5,2018
Tagaytay City celebrated its annual Alay Lakad with its theme “Edukasyon ng Kabataan ay suportahan, hakbang ay simulan upang sila ay tulungan”, was conducted on September 4, Tuesday, at 5:00 in the morning. Its route started from Brgy. Maitim II East to Tagaytay Oval Track and Field.
Read More
Sep 4,2018
Sa pakikipagkaisa ng City College of Tagaytay (CCT) at Tagaytay City Risk Reduction Management Office (TCRRMO), isinagawa ang Earthquke Drill 2018 noong September 4, 2018,ala-unang hapon sa paligid ng paaralan, na dinaluhan ng mga kawani, guro at mag-aaral ng CCT.
Read More