By Cristian Sagpao posted on Sep 4,2018
Sa pakikipagkaisa ng City College of Tagaytay (CCT) at Tagaytay City Risk Reduction Management Office (TCRRMO), isinagawa ang Earthquke Drill 2018 noong September 4, 2018,ala-unang hapon sa paligid ng paaralan, na dinaluhan ng mga kawani, guro at mag-aaral ng CCT.
Ilan sa mga miyembro ng TCRRMO ay nagbigay ng mga alituntunin sa mga estudyante bago isagawa ang aktibidad. Ilan sa mga ito ay ang mga posisyong Duck, Cover and Hold at ang iba pang dapat gawin tuwing mararanasan ang paglindol.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong maisulong ang pagiging handa at alerto ng mga estudyante, guro at kawani ng CCT sa mga sakunang maaring maranasan sa lugar tulad ng paglindol.
Nakiisa ang lahat ng estudyante sa pagbaba at pag-alis sa kanilang mga silid-aralan habang patuloy ang pagtunog ng alarm sa tulong ng mga guro at kawani ng CCT.
Ayon kay G. Frederic D. Caraan, miyembro ng TCRRMO, maraming sakuna ang maaari nating maranasan gaya ng lindol, pagbaha, pagguho ng lupa at marami pang iba, kaya ang lahat ay dapat maging laging handa sa lahat ng oras, magkaroon ng kaalaman sa lahat ng dapat at hindi dapat gawin para sa kaligtasan ng lahat.
Sa pagtatapos ng drill, taos-pusong nagpasalamat ang opisyal ng TCRRMO sa pakiki-isa ng CCT sa isinagawang Earthquake Drill.
Jul 6,2020
Good day future CCTians!
Here is a quick guide to
ONLINE ADMISSION APPLICATION
The application for the College Admission for 1st Semester SY 2020-2021 is now online. To all aspiring applicants, here are the important notes you need to remember:
Read More
Oct 8,2018
Ang CCT ay lugar na aking sinilangan
Pinagmulan ng aking talino at kakayahan
Read More
Sep 30,2018
Niyanig ng sigawan at palakpakan ang buong paaralan ng City College of Tagaytay sa kompetisyon na kung saan nagtagisan ng talino at kakayahan sa pagsagot ang mga kalahok ng LGBT Community
Read More
Sep 29,2018
Pinagkaguluhan ang kauna-unahang Lip Sync Battle Competition sa pagdiriwang ng ikalabinlimang anibersaryo ng City College of Tagaytay, na dinaluhan ng mga mag-aaral ng CCT
Read More
Sep 29,2018
City College of Tagaytay (CCT) celebrated their annual foundation week and intramurals on September 27-28, 2018 as the school was already on their 15 years of service to the public and the community.
Read More
Sep 10,2018
We all dream for a better future – a future with a hope from the young ones. The heroes that will guide them to improve for good are the professionals that can lead the society. With that, it is our only proof that the hope still does exist.
Read More
Sep 7,2018
The games of the new generation can now be played using technology, through computers and especially mobile phones, which everyone has one today.
Read More
Sep 6,2018
Pag-uugali ang isa sa mga unang napapansin sa mga estudyante sa lahat ng paaralan. Kung susuriing mabuti, minsan ay nabibigyang imahe ng ibang tao ang isang paaralan kung paano nila nakikita ang pag-uugali ng mga estudyanteng nag-aaral dito.
Read More
Sep 5,2018
Tagaytay City celebrated its annual Alay Lakad with its theme “Edukasyon ng Kabataan ay suportahan, hakbang ay simulan upang sila ay tulungan”, was conducted on September 4, Tuesday, at 5:00 in the morning. Its route started from Brgy. Maitim II East to Tagaytay Oval Track and Field.
Read More